Duterte: Biyahe ng mga gabinete sa Japan hindi ‘junket’
Hindi pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga cabinet members ang pagsama sa kanyang biyahe sa Japan para sa 25th Nikkei international conference.
Ito ang naging pahayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea taliwas sa sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V na pabuya ng Pangulo ang pagbitbit sa 16 na gabinete matapos manalo sa May 13 midterm elections ang kanyang mga kandidatong senador.
Ayon kay Medialdea, hindi maituturing na pabuya ang biyahe sa Japan dahil ang mga kasamang opisyal ay hindi naman sumama sa panahon ng kampanya.
“Hindi naman. Puro halos wala sa kampanya ang mga kasamang opisyal. May mga kanya-kanyang trade missions ang mga kasamang gabinete. Hindi po sila dekorasyon sa summit. Trabaho lang,” ani Medialdea.
May kanya-kanya anyang trade mission ang mga kasamang cabinet officials.
Iginiit pa ni Medialdea na hindi dekorasyon sa summit kundi trabaho ang ipinunta ng mga gabinete.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.