Prieto Diaz, Sorsogon niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Sorsogon, Martes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa 46 kilometers Northeast ng Prieto Diaz bandang 4:46 ng hapon.

May lalim ang lindol na 15 kilometers at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang Intensity 2 sa Legazpi City, Albay habang Intensity 1 naman sa Roxas City.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

 

Read more...