Nawawalang babaeng Grab driver natagpuang patay sa condo sa Rizal

By Len Montaño May 28, 2019 - 11:07 PM
FB photo

Patay na nang matagpuan ang isang babaeng driver ng Grab na halos isang linggo nang nawawala.

Natagpuan ang bangkay ni Maria Cristina Palanca sa ilalim ng lababo sa isang condominium unit sa Barangay San Andres, Cainta.

Nadiskubre ang bangkay ni Palanca matapos magreklamo ang ibang nakatira sa condo ng mabahong amoy na nagmumula sa isang unit.

Ayon sa pulisya, Huwebes Mayo 23 nang huling maghatid ng pasahero ang biktima papuntang Pasig City mula sa Mandaluyong City.

FB photo

Lumabas sa imbestigasyon na pumunta si Palanca sa isang condo sa Cainta at umakyat sa unit ng isang Paolo Largado.

Makalipas ang isang oras ay nakita sa CCTV na lumabas sa gusali si Largado.

Dahil dito ay pangunahing suspek sa krimen si Largado.

Samantala, nawawala ang kotseng minamaneho ni Palanca at hindi na ito ma-trace sa global positioning system o GPS.

 

TAGS: cainta, cctv, condo unit, GPS, GRab Driver, Maria Cristina Palanca, nawawala, Paolo Largado, Rizal, cainta, cctv, condo unit, GPS, GRab Driver, Maria Cristina Palanca, nawawala, Paolo Largado, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.