1 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa isang pabrika sa Zamboanga City

Credit: Zamboanga QRS

Dead-on-the-spot ang isang trabahador habang sugatan ang dalawang iba pa makaraang sumabog ang isang boiler sa loob ng isang factory sa Zamboanga City, Martes ng umaga.

Ayon kay Brig. Gen. Emmanuel Licup, director ng Police Regional Office 9, inaayos ng mga biktima ang boiler nang sumabog sa bahagi ng Barangay Talisayan bandang 11:30 ng umaga.

Nasawi si Zacarias Alberyo Rico, 49-anyos na assistant boiler operator sa Southwest Asia Canning Corporation.

Nasugatan naman ang dalawang kasamahan nito na si Francisco Caunsag Dumagal, 39-anyos na head operator ng boiler, at si Mark Anthony Romano Villaflores, 28-anyos na safety officer ng factory.

Ayon sa pulisya, aabot sa P1.5 milyon ang halaga ng pinsala bunsod ng pagsabog.

 

Read more...