Duterte ilalatag kay Abe ang mga tagumpay niya sa Pilipinas
Ibibida ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 25 Nekkei International Conference sa Japan ang kanyang mga accomplishments o tagumpay sa Pilipinas pati na ang mga isinusulong na foreign policy thrusts ng bansa.
Sa departure statement ng Pangulo bago tumulak patungong Japan, sinabi nito na ididiga rin niya sa kanyang keynote address ang kanyang insights kaugnay sa regional at global development.
Bukod sa talumpati magkakaroon din ng summit meeting ang Pangulo kay Japan Prime Minister Shinzo Abe para pagtibayin pa ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Japan.
Susuriin din ng dalawang lider ang mga kasunduan na nilagdaan ng dalawang bansa at tatalakayin ang kooperasyon ukol sa infrastructure development, trade and investments, labor, defense, maritime security, maritime domain awareness at kapayapaan sa Mindanao region.
Sasamantalahin din ng Pangulo ang pakikipagpulong sa mga Japanese private sector.
Makikipagpulong din ang Pangulo sa Filipino community sa Japan para personal na ipaabot ang kanyang pasasalamat dahil sa kanilang mga sakripisyo.
Ang Nekkei International Conference na itinuturing na Asia’s top foreign policy and economic ay taunang pagpupulong na ginaganap sa Japan.
Kasama sa pagpupulong ang mga lider mula sa Malaysia, Cambodia, laos at Bangladesh.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.