Bentahan ng yosi malapit sa mga paaralan babantayan ng MMDA
Magiging abala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa muling pagsisimula ng mga klase sa susunod na linggo.
Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim kabilang sa tutukan nila kaugnay sa Balik Eskwela 2019 ay ang mahigpit na pagbabantay sa bentahan ng sigarilyo sa paligid ng mga paaralan.
Aniya kabilang sa kanilang mandato ang pangangalaga sa kalusugan ng mga taga-Metro Manila.
Kaugnay nito, magsasagawa sila ng inspeksyon sa mga tindahan sa distansiyang 100 metro sa paligid ng mga paaralan para tiyakin na walang nagbebenta ng sigarilyo, maging mga e-cigarettes.
Magsasagawa din sila aniya ng information and education campaign maging sa mga pampublikong sasakyan hinggil sa batas na gumagabay sa paninigarilyo.
Bukod dito, pipinturahan din nila ang mga pedestrian lanes sa paligid ng mga paaralan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa kanilang pagtawid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.