Sotto tiwalang mananatili siyang pinuno ng Senado

By Jan Escosio May 28, 2019 - 06:54 PM

Inquirer file photo

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na suportado siya ng 15 o 16 na mga senador.

Ito ay kaugnay sa mga ugong na may hamon sa posisyon ngayon ni Sotto.

Ayon pa kay Sotto, nagpahayag na sa kanya ng suporta ang mga senador na kabilang sa Hugpong ng Pagbabago bloc.

Una nang napa ulat na nakikipag-usap si Senator-elect Francis Tolentino sa mga kapwa niya baguhang senador at pinag-uusapan diumano ang posibilidad na palitan ang pinuno ng Senado.

Ayaw naman bigyan kulay pa ni Sotto ang diumano’y pakikipag-usap ni Tolentino sa ilang senador.

Una nang sinabi ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na sa 18th Congress ay may super majority sa Senado na bubuuin ng 20 senador.

Sinabi din ni Zubiri na ang mga senador mula sa PDP Laban na sina Koko Pimentel, Bato dela Rosa, Bong Go at Tolentino ay suportado si Sotto.

TAGS: PDP Laban, senate president, Sotto, Tolentino, PDP Laban, senate president, Sotto, Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.