Panukalang libreng dialysis para sa mga mahihirap lusot na sa Kamara

Inquirer photo

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na nagbibigay utos sa mga pampublikong ospital na magbigay ng libreng dialysis para sa mga mahihirap na pasyente.

Pinaboran ng 117 mambabatas ang House Bill No. 9156 o Providing a Comprehensive Renal Replacement Therapy (RRT) for Patients with End Stage Renal Disease in National, Regional, and Provincial Government Hospitals, increasing the Philhealth Package Rate for Renal Replacement of Members” noong Lunes.

Walang umapela sa pagpasa ng panukalang batas na ito.

Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, isa sa mga pangunahing sumulat ng bill, maraming maisasalbang buhay ang batas na ito.

Umapela rin si Zarate ng agarang pagpasa ng batas sa senado upang maipatupad ito sa lalong madaling panahon.

Ang House Bill 9156 ay naglalayong palawagin ang Philhealth coverage para sa kidney transplant o renal placement therapy sa lahat ng donors mula sa screening hanggang pagtapos ng operasyon.

Read more...