Duterte pasimpleng pumunta sa isang Chinese restaurant sa BGC

By Chona Yu May 28, 2019 - 03:22 PM

Contributed photo

Nagsawa na sa mga pagkain sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya naisipang kumain sa labas kagabi.

Ipinaliwanag ni incoming Senator Christopher Bong Go na pagkatapos ng trabaho kagabi sa palasyo ay nagutom ang pangulo at bigyang nagyayang kumain sa sa isang restaurant.

Ayon kay Go, sa isang Chinese restaurant sa Bonifcaio Global City sa Taguig City napili ni Pangulong Duterte na kumain.

Dagdag ni Go, kaibigan ng pangulo ang may-ari ng Chinese restaurant.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Go ang pangalan ng restaurant at kung sino ang may ari.

Matatandaang pinuna ang kalagayan ng kalusugan ng pangulo nang hindi mag-abot ng diploma sa mga graduates ng Philippine military academy sa Baguio City noong Linggo.

Pero paliwanag ni presidential spokesman Salvador Panelo, inaantok lamang ang pangulo kung kaya mas piniling maupo na lamang kaysa mag-abot ng diploma.

TAGS: bong go, Bonifacio Global City, Chinese restaurant, duterte, Malacañang, Taguig City, bong go, Bonifacio Global City, Chinese restaurant, duterte, Malacañang, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.