Iiwanan na kwarto ni Senator JV Ejercito sasaluhin ni Senator-elect Bato dela Rosa

By Jan Escosio May 28, 2019 - 01:03 PM

Inquirer File Photos

Mamanahin ni Senator-elect Bato dela Rosa ang iiwanan na kwarto ni Senator JV Ejercito sa Senate Building.

Kinumpirma ito ni dela Rosa matapos niyang bisitahin ang outgoing senator at aniya napag-usapan nila ang gagamitin niyang opisina simula sa Hulyo 1.

Aniya si Ejercito na ang nag-alok ng babakantehin niyang opisina para magamit ni dela Rosa sa papasok na 18th Congress.

Dagdag pa nito, inalok na rin sa kanya ni Ejercito ang ilang gamit sa iiwang opisina para agad may magamit ang bagong senador.

Ngunit aminado si dela Rosa na hindi niya sigurado kung uubra ang kasunduan nila ani Ejercito ukol sa gagamitin niyang opisina.

TAGS: gagamitin opisina., iiwanan na kwarto, JV Ejercito, Senado, Senator-elect Bato dela Rosa, gagamitin opisina., iiwanan na kwarto, JV Ejercito, Senado, Senator-elect Bato dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.