Sinabi ni Senator Loren Legarda na ang sector ng pampublikong-edukasyon ang isa sa pinaka-apektado ng pinaganang re-enacted budget ngayon taon.
Ayon kay Legarda, 18,575 classrooms ang hindi naayos at may 4,110 naman ang hindi naipatayo.
Dagdag pa ng senadora, naantala din ang pagbibigay ng tulong sa 328,889 senior high school students.
Nalaman ito ni Legarda sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Finance hinggil sa epekto ng apat na buwan na paggamit ng re-enacted budget.
Base sa ulat ni Finance Sec. Carlos Dominguez dahil sa budget impasse nakapagtala lang ng economic growth target na 5.6 percent sa unang tatlong buwan ng taon gayun ang target ay nasa pagitan ng 6.6 hanggang 7.2 percent.
Bukod dito, ang underspending ng gobyerno ay umabot sa P1 bilyon kada araw.
Tiwala si Legarda na kapag nagkaroon ng accelerated spending at naipatupad na ang mga programa ng gobyerno ay mahahabol pa ang target na paglago ng ekonomiya ngayong taon.