Aabot ng P218M halaga ng bloke ng cocaine natagpuan sa karagatan sa Gubat, Sorsogon
Aabot sa 40 bloke ng hinihinalang cocaine ang natagpuan ng mga mangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Bagacay sa Gubat, Sorsogon.
Nakilala ang mga nangingisdang nakatagpo sa bloke-blokeng cocaine na sina Melvin Gregorio, Loubert Ergina, at John Mark Nabong.
Ang nasabing mga bloke ng cocaine ay natagpuang palutang-lutang sa dagat ng tatlong mangingisda hapon ng Lunes, May 27.
Sa pagtaya ng PNP, aabot ng 218-million pesos ang halaga ng kontrabando at maaari umanong galing ng Cambodia at dadalhin sana ng Australia.
Ang nasabing mga droga ay nasa pangangalaga na ngayon ng Philippine National Police sa Sorsogon.
Hinihikayat naman ang publiko na iulat sa mga otoridad ang mga makikitang kahina-hinalang mga bloke sa karagatan.
Kapalit ng isang sako ng bigas ang bawat bloke na matatagpuan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.