Dating senatorial candidate naglabas na audio recording sa umano’y dayaan noong midterm election
Pinatunayan ng isang dating kandidato sa pagka-senador ang nangyaring dayaan sa katatapos na halalan noong Mayo 13.
Naglabas ng audio recording ng umano’y dayaan si RJ Javellana, dating kandidato sa pagka-senador.
Ang naturang audio recording ay sa isa umanong pagpupulong sa loob ng Comelec kung saan pinag-uusapan ang pagsasanay sa mga tao at kung paano gagawin ang dayaan sa tinawag na “meet me room” ng Comelec.
Ito din aniya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pitung oras na delay sa transmission ng mga boto patungo sa national canvassing center ng Comelec.
Sa “meet me room” din aniya nangyayari ang pag-kontrol sa resulta ng mga boto bago ilabas sa transparency server.
Tumagal ng dalawampung minuto ang nasabing audio recording.
Iginiit ni Javellana na maaring gamitin sa imbestigasyon ang nasabing audio recording.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.