Motorcycle rider patay sa aksidente sa Katipunan Avenue, Quezon City

Patay ang isang motorcycle rider na walang helmet matapos maaksidente sa tapat ng Ateneo de Manila University sa Katipunan Avenue, Quezon City, Martes ng umaga (May 28).

Dead on the spot ang biktima na nakilala sa pangalang Glenn Medina habang nasugatan naman ang driver ng motorsiklo na nakilalang si Stephen Cuenca.

Ayon sa driver na si Cuenca, bigla na lamang natumba ang kanilang motorsiklo pasado alas-4 ng umaga.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo si Medina na hindi nakasuot ng helmet ng sumakay ito sa motorsiklo.

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang aksidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Quezon City Traffic sa nangyaring insidente.

Read more...