Ulat na bullying sa PCFI members, walang katotohanan

By Ricky Brozas May 28, 2019 - 10:32 AM

Pinasinungalingan ng Partylist Coalition Foundation Inc. ang ulat na nam-bully umano si Congressman-elect Alan Peter Cayetano sa mga miyembro nito sa nagdaang pulong ng PCFI.

Mismong si 1-Pacman partylist Rep. Mikee Romero, ang bagong halal na PCFI president, ang nagsabi na hindi ito totoo.

Ayon kay Romero, hindi rin ginamit ni Cayetano ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sya ang napipisil na maging bagong Speaker of the House.

Wala din aniyang sinabi ang mambabatas na magiging “worst enemy” siya ng mga kongresista na hindi susuporta sa kanyang pagnanais na maging speaker.

Tanging ginawa lamang ni Cayetano sa pagpupulong ay hiningi ang suporta ng kanyang kapwa kongresista.

Sa ngayon marami ang nagpapakalat ng mga kasinungalingan at paninira dahil si Cayetano ang itinuturing na “top contender” na maging susunod na Speaker of the House.

TAGS: 1-PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero, Alan Peter Cayetano, Partylist Coalition Foundation Inc., PCFI president, Ulat ng bullying sa PCFI members, walang katotohanan, 1-PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero, Alan Peter Cayetano, Partylist Coalition Foundation Inc., PCFI president, Ulat ng bullying sa PCFI members, walang katotohanan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.