Apat na Chinese nationals na nahulihan ng mahigit P120M halaga ng Shabu sa Pangasinan, sumailalim na sa profiling

Isinailalim na sa profiling ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang apat na Chinese nationals na nahulihan ng P124-milyong halaga ng shabu sa lungsod ng Urdaneta kamakailan.

Ayon kay PPO director Col. Wilson Lopez, tuloy-tuloy pa rin ang pagkilos ng mga otoridad para tuluyan ng matunton ang pinagmulan ng droga na idinaan pa sa lalawigan ng Pangasinan.

Magpapatuloy aniya ang kanilang operasyon lalo’t hindi biro ang halaga na nakuha sa mga dayuhang suspek.

Aalamin din ng mga ito kung may mga Pilipinong nagamit bilang “point man” o “middle man” sa aktibidad ng mga suspek.

Batay naman sa pinakahuling impormasyon na nakalap ng PNP, nadiskubre na sa lungsod ng Baguio unang nag-operate ang mga sindikato hanggang makarating sila sa Ilocos Norte.

Ang apat na suspek na kinilalang sina sina Lu Jun, Zuo Sheng Li, Li Yu, at Ye Ling ay unang naaresto sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang subdivision sa lungsod ng Urdaneta. Nasamsam sa kanila ang P124-milyong halaga ng shabu.

Read more...