Water level sa Angat dam patuloy na nababawasan

Sa kabila ng mga nararanasang pag-ulan sa Metro Manila patuloy na nababawasan ang water level sa Angat Dam at iba pang dam sa Luzon.

Base sa monitoring ng PAGASA Hydro-meteorological Division, ang antas ng tubig sa Angat dam ala-6 ng umaga ng Martes (May 28) ay 169.88 mas mababa sa antas nito kahapon na 170.19.

Nabawasan din ang water level sa Ipo, San Roque, Pantabangan at Caliraya Dams sa Luzon.

Samantala, nadagdagan naman ng bahagya ang water level sa La Mesa dam na nasa 68.69 ngayong umaga kumpara sa 68.68 kahapon.

Nadagdagan din ang water level sa Ambuklao, Binga at Magat Dams.

Read more...