Lalaki nasagasaan ng kotse ng pari, patay sa Negros Occidental

By Rose Cabrales May 28, 2019 - 05:35 AM

Nasawi ang isang lalaki matapos itong mabangga ng sasakyan na minamaneho ng isang pari sa Mabini Highway, Valladolid, Negros Occidental gabi ng Lunes, May 28.

Nakilala ang nasawing biktima na si Fidel Mahusay, 56 taong gulang.

Ayon sa mga awtoridad, tumatawid sa daan ang biktima ng mabundol ng kotse pasado alas-8 ng gabi.

Sinubukan pa umanong umilag ng pari, pero umatras ang biktima na si Mahusay kaya nabangga pa rin ito ng sasakyan.

Sumuko na sa Bacolod City Police Office ang nakasagasang pari at handa rin itong tumulong sa pamilya ng nasawing biktima.

TAGS: kotse ng pari, Lalaki nasagasaan, Negros Occidental, patay, kotse ng pari, Lalaki nasagasaan, Negros Occidental, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.