Suspek sa pagpatay kay ABC Chairman Marlon Luansing, patay sa engkwentro sa Batangas

Patay ang isang lalaki na sinasabing sangkot sa pagpatay kay Association of Barangay Councils (ABC) Chairman Marlon Luansing makaraang makaengkwentro ang mga pulis sa Brgy. Bilaran, Nasugbu, Batangas, Martes ng umaga.

Sa impormasyon mula kay Batangas Provincial Police Office Director Col. Edwin Quilates, kinilala ang suspek na si Reymises Fernandez.

Pauwi na sana ang mga operatibang nagsasagawa ng surveillance laban sa suspek.

Gayunman, nagkaroon pa ng habulan na nauwi sa palitan ng putok at ikinasawi ni Fernandez.

Ayon sa pulisya, miyembro ang suspek ng isang gun for hire group at sangkot ito sa mahigit 10 kaso ng patayan.

Matatandaang pinatay si Luansing sa Barangay Balintawak noong December 2018.

Dahil sa pagkakapatay kay Fernandez, inaasahang bababa ang shooting incidents sa lalawigan ng Batangas.

Read more...