Suspek sa pagpatay kay ABC Chairman Marlon Luansing, patay sa engkwentro sa Batangas

By Rhommel Balasbas May 28, 2019 - 06:54 AM

Patay ang isang lalaki na sinasabing sangkot sa pagpatay kay Association of Barangay Councils (ABC) Chairman Marlon Luansing makaraang makaengkwentro ang mga pulis sa Brgy. Bilaran, Nasugbu, Batangas, Martes ng umaga.

Sa impormasyon mula kay Batangas Provincial Police Office Director Col. Edwin Quilates, kinilala ang suspek na si Reymises Fernandez.

Pauwi na sana ang mga operatibang nagsasagawa ng surveillance laban sa suspek.

Gayunman, nagkaroon pa ng habulan na nauwi sa palitan ng putok at ikinasawi ni Fernandez.

Ayon sa pulisya, miyembro ang suspek ng isang gun for hire group at sangkot ito sa mahigit 10 kaso ng patayan.

Matatandaang pinatay si Luansing sa Barangay Balintawak noong December 2018.

Dahil sa pagkakapatay kay Fernandez, inaasahang bababa ang shooting incidents sa lalawigan ng Batangas.

TAGS: Batangas Provincial Police Office Director Col. Edwin Quilates, pagpatay kay ABC Chairman Marlon Luansing, patay sa engkwentro sa Batangas, shooting incidents sa Batangas, suspek na si Reymises Fernandez, Batangas Provincial Police Office Director Col. Edwin Quilates, pagpatay kay ABC Chairman Marlon Luansing, patay sa engkwentro sa Batangas, shooting incidents sa Batangas, suspek na si Reymises Fernandez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.