Visayas at Mindanao uulanin ngayong Martes dahil sa ITCZ
Makakaapekto sa Visayas at Mindanao ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ngayong araw ng Martes (May 28).
Ayon Pagasa, asahan ang maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Zamboanga Peninsula, Western Visayas, Palawan at Mindoro dahil sa ITCZ.
Maulap na may pag-uulan na panahon din ang iiral sa Ilocos Region, Cordilelra Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon dahil naman sa southwesterly surface windflow.
Samantala, sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay asahan ang partly cloudy hanggang cloudy skies na may isolated rainshowers o thunderstorms bunsod ng localized thunderstorms.
Nagbabala ang Pagasa ng flash floods at landslides kapag may severe thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.