Timbog ang 3 lalaki at 1 babae sa pagsusugal ng cara y cruz sa McArthur St., Barangay Pasong Tamo, Quezon City Martes ng madaling araw.
Ayon kay Barangay Pasong Tamo executive officer Nestor del Rosario, nagpapatrulya sila nang maaktuhan nila ang 4 na nasusugal sa kalsada.
Inireport ng barangay ang insidente sa pulisya na agad rumesponde sa lugar.
Nakuha sa mga suspek ang isang sachet ng shabu.
Ginagamit umano ng 4 ang droga na pantaya sa sugal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.