Residential area sa Brgy. Krus, Ligas, QC nasunog

File photo

Sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa Magpakumbaba St., Barangay Krus sa Ligas, Quezon City Martes ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas 3:00 ng madaling araw.

Umabot ng ikaapat na alarma ang sunog.

Dakong 4:14 ng umaga ay nagdeklara ang BFP ng fire out.

Iniimbestigahan ang dahilan ng sunog at ang halaga ng naabong mga ari-arian.

 

 

Read more...