2 hinihinalang holdaper patay sa engkwentro sa Maynila

By Rhommel Balasbas May 28, 2019 - 04:43 AM

Nasawi ang dalawang hinihinalang holdaper matapos makaengkwentro ang mga pulis sa bahagi ng McArthur Bridge sa Ermita, Maynila madaling araw ng Martes.

Bago ang engkwentro, isang babae at isang lalaki ang nabiktima ng tatlong holdaper na sakay ng motorsiklo sa bahagi ng Muñoz cor. P. Burgos Streets.

Natangay ang cellphone at bag ng mga biktima.

Agad na nagsumbong ang mga biktima sa isang Comelec checkpoint sa Bonifacio Shrine.

Dahil dito, agad na nagkasa ng operasyon ang mga pulis laban sa mga holdaper at nauwi ito sa habulan.

Nagpaputok umano ang mga suspek sa bahagi ng McArthur Bridge at gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng dalawa sa mga ito.

Nakatakas naman ang isa na pinaghahanap ngayon ng pulisya.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

 

TAGS: 2 patay, bag, cellphone, Comelec checkpoint, engkwentro, Ermita, manila, 2 patay, bag, cellphone, Comelec checkpoint, engkwentro, Ermita, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.