Timbog ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. 182, Tondo, Maynila.
Positibong nakabili ng shabu ang poseur buyer mula sa mga suspek na nakilalang sina Paulino Huertazuela at Esmayti Abdullah na parehong nasa drugs watchlist.
Miyembro rin ang dalawa ng Commando Gang.
Nakuha mula sa mga suspek ang isang medium at isang large plastic sachets ng hinihinalang shabu.
Bukod sa buy-bust money at mga droga, nasamsam din mula sa dalawa ang isang calibre.45 pistol at live ammunition.
Mahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong pagalabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Illegal Possession of Firearms at Omnibus Election Code.
MOST READ
LATEST STORIES