Nakuha ng tinaguriang “Queen of Philippine Javelin” na si Erlinda Lavandia ang apat na gold medals sa Singapore Masters Athletic 4oth Anniversary Track and Field 2019.
Tinalo ng 67 anyos na si Lavandia ang mga atleta mula sa 13 bansa.
Ang nasungkit na 4 na gintong medalya ni Lavandia ay mula sa javelin throw, discus throw, hammer throw at shot put event.
Itinanghal din ang Filipina athlete bilang “Best Athlete of Field Events” sa Southeast Asia.
Si Lavandia ay kasalukuyang consultant ng Philippine Sports Commission (PSC) pero muling sasabak sa laban bilang kinatawan ng Pilipinas sa Asian Masters Athletics sa Malaysia sa Nobyembre.
MOST READ
LATEST STORIES