Canadian trash ibabalik na ng Pilipinas sa Huwebes, May 30

Sec. Teddy Locsin photo

Handa na ang Pilipinas na ibalik ang mga basura ng Canada sa Huwebes, May 30.

Ito ang inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin sa isang tweet Lunes ng gabi (May 27).

Ayon kay Locsin, tapos na ang isinagawang fumigation ng 69 containers ng basura sa Subic.

Sa ngayon anya ay hinihintay na lamang ang mga kaukulang dokumento at routine permission mula China para sa transshipment ng mga basura sa Canada.

“All containers containing garbage cleaned and ready to go. Waiting for a couple of documents and routine permission from China for transshipment to Canada. Departure is May 30. Anybody gets in the way one way or another, i will screw you dry. Don’t provoke me,” ani Locsin.

Sa isa pang tweet, iginiit ng kalihim na dapat ay pasalamatan si Pangulong Rodrigo Duterte sa tapang nitong ibalik ang mga basura sa Canada.

Anya, si Pangulong Duterte ang nakaresolba sa problema na nag-ugat pa noong administrasyong Aquino.

That’s not only nice to know; it is nicer to be appreciative. To President Duterte for pushing the right button—believe me no one advised him—and to Canada for fully cooperating to get it done as he wanted: pronto. Created under PNoy; left to fester 4 years; solved by Duterte,” ani Locsin.

Read more...