Pagsasabatas sa ‘Magna Carta of the Poor’ welcome sa Caritas Manila
Welcome sa Caritas Manila, ang pagkakapasa sa batas na layong iangat ang pamumuhay ng mahihirap na Filipino.
Ang Caritas Manila ay ang ang social action arm ng Archdiocese of Manila.
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11291 o ang “Magna Carta of the Poor” na nag-oobliga sa mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng full access sa mahihirap sa mga serbisyo ng pamahalaan.
Ayon kay Caritas Manila executive director Fr. Anton Pascual, kailangan ang bagong batas para matugunan ang problema sa kahirapan at gutom sa bansa.
Trabaho anya ng isang mabuting gobyerno ang pangalagaan at tulungan ang mahihirap.
“That’s what good government is all about, taking care of the poor and marginalized,” ani Pascual.
Umaasa anya ang Caritas na mayroong panahon at resources ang mga ahensya ng gobyerno para ipatupad ang batas.
Ani Pascual, kadalasan kasing problema sa bansa ay ang implementasyon ng mga batas.
“That is always the problem… efficiency and effect of government execution,”giit ng pari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.