M3.4 na lindol naitala sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-2:30 Martes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 43 kilometro Hilagang-Silangan ng Hinatuan.

May lalim ang pagyanig na 17 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...