Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11291 o ang “Magna Carta of the Poor” na magbibigay ng full access sa mahihirap sa mga serbisyo ng gobyerno.
Layon din ng bagong batas na bumuo ng isang national poverty reduction plan para iangat ang pamumuhay ng mga Filipino.
Nilagdaan ang naturang batas noong April 12 at isinapubliko lamang araw ng Lunes.
“It is the declared policy of the State to uplift the standard of living and quality of the poor and provide them with sustained opportunities for growth and development,” ayon sa batas.
Ayon sa batas, ang mahihirap ay ang mga indibidwal o pamilya na ang kita ay mababa sa poverty threshold batay sa pagtukoy ng National Economic and Development Authority, o hindi kaya ay mga taong hindi sapat ang kakayahan na magkaroon ng sapat na pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, edukasyon, pabahay at health care.