DA ipapa-recall ang mga delatang karne na galing sa bansang may African swine fever
Ipapa-recall ng Department of Agriculture ang mga delatang karne na pumasok sa bansa at galing sa bansang apektado ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, sakop ng recall ang mga produkto na may manufacturing date simula August 2018.
Umaasa si Piñol sa pagiging epektibo ng K9 sniffing dogs sa mga paliparan para maharang ang ASF.
Plano rin ng ahensya na maglagay ng x-ray machines sa mga airport na para lamang sa quarantine.
Makikipag-ugnayan naman ang DA sa Food and Drug Administration (FDA) kaugnay ng recall sa mga delata na galing sa mga bansang may ASF.
Matatandaan na noong nakaraang linggo, isang domestic worker mula Hong Kong ang nakumpiskahan ng 32 lata ng luncheon meat sa airport.
Samantala, aapela ang mga hog raisers kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng pansamantalang suspensyon ng importation mula sa mga high risk na lugar gaya ng mga bansang malapit sa apektado na ng ASF.
Tiniyak ng hograisers na hindi magkukulang ng supply ng karne ng baboy kahit may suspensyon dahil may sobrang supply ng buffer stock hanggang 5 buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.