Japanese namatay sa eroplano matapos lumunok ng 246 bags ng cocaine

By Rhommel Balasbas May 28, 2019 - 02:33 AM

Credit: Sonora Attorney General

Natagpuan ang 246 bags ng cocaine sa tiyan at bituka ng isang lalaking Japanese na nasa isang flight mula Mexico patungong Japan.

Ayon sa pahayag ng Mexican officials araw ng Lunes (May 27), lumalabas sa autopsy na nilunok ng 42-anyos na lalaki ang bags ng cocaine.

Namatay ito sa cardiac arrest dahil sa drug overdose.

Ilang sandali matapos ang takeoff eroplanong sinasakyan ng biktima ininda nito ang sakit na nararamdaman.

Nag-emergency landing ang eroplano sa isang airport sa Sonora, Mexico ngunit dead-on-arrival agad ang lalaki.

May habang 2.5 centimeters at lapad na 1 centimer ang plastic bags na natagpuan sa tiyan ng Japanese.

Patuloy na iimbestigahan ng federal authorities ng Mexico ang insidente.

 

 

TAGS: 246 bags ng cocaine, bituka, cardiac arrest, dead on arrival, Drug overdose, Emergency landing, flight, japanese, Mexico, nilunok, Sonora, tiyan, 246 bags ng cocaine, bituka, cardiac arrest, dead on arrival, Drug overdose, Emergency landing, flight, japanese, Mexico, nilunok, Sonora, tiyan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.