Halos P300B halaga ng ‘investment deals’ makukuha sa Japan trip ni Duterte

By Len Montaño May 28, 2019 - 02:28 AM

File photo

Inihayag ni Trade Sec. Ramon Lopez na halos P300 bilyong halaga ng investment deals ang makukuha ng Pilipinas sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan.

Dadalo ang Pangulo sa Nikkei 25th International Conference on The Future of Asia sa May 30 hanggang 31 sa gitna ng patuloy na lumalakas na ugnayan sa ekonomiya ng Pilipinas at Japan.

Ayon kay Lopez, ang kasunduang makukuha sa biyahe ng Pangulo ay magreresulta sa 80,000 na trabaho para sa mga Pilipino.

Nasa 20 business agreements anya sa larangan ng imprastraktura, manufacturing, electronics, medical services, business processing outsourcing (BPO), power, kuryente, transportasyon, automotive, food manufacturing at marine manpower industries ang nakatakdang pirmahan sa sidelines ng Duterte visit.

“The Department of Trade and Industry is consistently pursuing investments from all countries to provide decent employment opportunities to Filipinos. This is part of President Duterte’s Tapang at Malasakit approach to nation-building and DTI’s priorities, summed up as Trabaho, Negosyo, Konsyumer,” ani Lopez.

Noong 2018, ang Japan ang pangalawang pinakamalaking partner sa kalakalan ng Pilipinas kung saan naitala ang US$20 billion na kabuuang halaga ng negosyo.

Habang nasa US$9.5 billion ang halaga ang export o iniluluwas ng Pilipinas sa Japan at US$10.5 billion ang halaga ng import o inaangkat ng bansa mula sa Japan.

 

TAGS: investment deals, Japan trip, Konsyumer, negosyo, Nikkei 25th International Conference on The Future of Asia, P300 bilyon, Rodrigo Duterte, trabaho, Trade Sec. Ramon Lopez, investment deals, Japan trip, Konsyumer, negosyo, Nikkei 25th International Conference on The Future of Asia, P300 bilyon, Rodrigo Duterte, trabaho, Trade Sec. Ramon Lopez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.