Miyembro ng Abu Sayyaf group patay, 4 sugatan sa bakbakan sa Sulu

By Rhommel Balasbas May 28, 2019 - 02:01 AM

Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang apat na iba pa ang sugatan sa engkwentro ng grupo laban sa militar sa Barangay Sandah, Patikul, Sulu, Lunes ng hapon.

Ayon sa Western Mindanao Command Public Information Office, nakasagupa nila ang grupo ni Mundi Sawadjaan at napatay ang isa sa mga miyembro nito.

Tumagal umano ng limang minuto ang bakbakan.

Naniniwala ang militar na mas marami pang ASG members ang nasugatan habang wala namang nasaktan sa kanilang hanay.

Nakaantabay na rin ang augmenting troops sa mga rutang posibleng daanan ng mga teorista bilang bahagi ng pursuit operations.

Ayon kay Western Mindanao Command chief Lieutenant General Arnel Dela Vega, patuloy na pinalalakas ang operasyon laban sa mga militante.

“Military troops escalate their deliberate and focused operations against Abu Sayyaf militants, days after the spate of offensives in Sulu,” ani Dela Vega.

 

TAGS: abu sayyaf group, bakbakan, engkwentro, Mundi Sawadjaan, Patikul, Sulu, Western Mindanao Command, abu sayyaf group, bakbakan, engkwentro, Mundi Sawadjaan, Patikul, Sulu, Western Mindanao Command

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.