Beauty Gonzales kasama sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa weekend getaway

By Len Montaño May 28, 2019 - 01:49 AM

Beauty Gonzales IG story

Ibinahagi ng aktres na si Beauty Gonzales ang bonding time sa kaibigan na si Ellen Adarna kasama ang partner nitong si John Lloyd Cruz.

Makikita sa Instagram stories ni Beauty ang mga larawan kasama sina Ellen At John Lloyd gayundin ang kanyang mister na si Norman Crisologo at anak nilang si Olivia.

Sa isa sa mga larawan ay makikita ang naka-blur na mukha ng isang batang lalaki.

Pero hindi tiyak kung ang bata ang sinasabing anak nina Ellen at John Lloyd na si Elias Modesto na ipinanganak ng aktres noong June 27, 2018.

Makikita sa IG stories ni Beauty na masaya silang nag-iinuman at nagkwentuhan ng kanyang mga kaibigan.

Hindi naman tinukoy ng aktres kung saang lugar sila nagbakasyo ng kanyang pamilya kasama sina Ellen at John Lloyd.

 

 

 

TAGS: Allen Adarna, batang lalaki, Beauty Gonzales, bonding, getaway, Instagram stories, John Lloyd Cruz, Allen Adarna, batang lalaki, Beauty Gonzales, bonding, getaway, Instagram stories, John Lloyd Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.