Nag-iisang mananaya wagi ng higit P210M sa Grand Lotto

By Rhommel Balasbas May 28, 2019 - 01:29 AM

Isang maswerteng mananaya ang mag-uuwi ng tumataginting na P210,759,849 jackpot ng Grand Lotto 6/55 matapos ang draw Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nakuha ng bettor ang winning combination na 02-04-06-08-24-01.

Wala namang nagwagi sa Mega Lotto 6/45 draw na may premyo sanang P15,892,709.

Ang winning combination ay 30-41-38-33-32-20.

Para naman sa 4 Digit, ang winning numbers ay 8-1-1-4.

 

TAGS: 4-digit, 6/55, jakcpot, lone bettor, Mega Lotto 6/45, nag-iisang mananaya, P210 milyon, pcso, winning combination, 4-digit, 6/55, jakcpot, lone bettor, Mega Lotto 6/45, nag-iisang mananaya, P210 milyon, pcso, winning combination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.