Albayalde dinepensahan ang ‘rape joke’ ni Duterte sa PMA graduation

“Obvious joke”

Ito ang naging pahayag ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa panibagong rape joke ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagbitaw kasi ng rape joke ang pangulo sa graduation ceremony ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 sa Baguio City noong araw ng Linggo.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief, Gen. Oscar Albayalde na halatang biro ang naging pahayag ng pangulo kasabay ng pagbibigay ng pardon sa mga kadete.

Tradisyon na aniya ang pagbibigay ng pardon ng pangulo tuwing graduation ceremony sa PMA.

Kung rape man ang offense ng isang kadete, tiyak aniya na makakalabas ito ng PMA.

Dagdag pa ni Albayalde, nais lamang siguro ng Pangulo na mapasaya ang lahat ng dumalo.

 

 

Read more...