‘Bikoy’ pinadadalo ng DOJ sa preliminary investigation ng kasong estafa

By Angellic Jordan May 28, 2019 - 01:15 AM

Nagtakda ng petsa ang Department of Justice (DOJ) para sa isasagawang preliminary investigation sa kasong estafa laban kay Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy.’

Naglabas si Assistant State Prosecutor Herbert Calvin Abugan ng subpoena na nagbibigay ng direktiba kay Advincula na dumalo sa gagawing pagdinig ngayong araw ng Martes, May 28.

Inihain ang reklamong estafa sa DOJ noong May 10 ng Ardeur World Marketing Corporation president at chief executive officer na si Arven Valmores.

Ito ay matapos mamukhaan nito si Advincula nang lumitaw sa isang press conference ukol sa isiniwalat na detalye sa “Ang Totoong Narcolist” video.

Nag-ugat ang paghahain ng kaso ni Valmores laban kay Advincula sa Miss Scenti Essencia Ambassadress 2018 sa Polagui, Albay noong August 11, 2018 kung saan organizer si Advincula.

Si Advincula ang tanging distributor ng mga binebentang pabango ng Ardeur.

Ginamit umano nito ang pangalan at logo ng kumpanya para sa promotional activities nang walang paalam sa korporasyon.

 

 

TAGS: “Ang Totoong Narcolist”, Albay, Ardeur World Marketing Corporation, bikoy, DOJ, estafa, Miss Scenti Essencia Ambassadress 2018, Peter Joemel Advincula, Preliminary Investigation, subpoena, “Ang Totoong Narcolist”, Albay, Ardeur World Marketing Corporation, bikoy, DOJ, estafa, Miss Scenti Essencia Ambassadress 2018, Peter Joemel Advincula, Preliminary Investigation, subpoena

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.