COA: P50M ‘anti-drug funds’ mula 2010 hanggang 2013 nawawala

COA Report

Inihayag ng Commission on Audit (COA) na nasa P50 milyong pondo para sa kampanya laban sa droga na inilabas mula 2010 hanggang 2013 ang “unaccounted” o hindi na-liquidate.

Ang unaccounted funds na may kabuuang P49,218,561.36 ay binubuo ng pondo na inilabas ng Dangerous Drugs Board (DDB) sa ibang ahensya ng gobyerno at non-government organizations (NGO) para sa mga proyektong may kinalaman sa paglaban sa droga.

Ayon sa COA audit report na inilabas noong May 23, ang naturang halaga ay 83 percent ng pondo na ipinamahagi ng DDB sa national government agencies (NGA), mga lokal na pamahaan at government-owned and controlled corporations (GOCC).

Napuna ng ahensya na bago ang 2010, mahigit P1.2 milyon ang unliquidated funds kaya umabot sa mahigit P50 milyon ang kabuuang unaccounted funds mula 2010 hanggang 2013.

“Eighty-five percent or P50,427,527.21 of the P59,491,577.34 inter-agency receivables were aged more than five years caused by the non-enforcement of the provisions of the Memorandum of Agreement (MOA) between DDB and the implementing agencies and COA Circular Nos. 94-013 and 2007-001 dated December 13, 1994 and October 25, 2007, respectively,” pahayag ng COA.

Batay sa datos ng COA, pinakamarami sa unliquidated funds ay ang ibinigay sa NGAs na sinundan ng mga pondo na inilaan sa LGUs.

Malaking bahagi ng pondo ang sana ay para sa maintenance ng drug treatment at rehabilitation centers, pagtatayo ng mga bagong pasilidad, operasyon ng umiiral ng mga rehab centers at ang pagbili ng mga supplies.

Paliwanag ng ahensya, ang problema ay nagsimula nang hindi binanggit ang timeframe ng proyekto at ang nakasaad lamang ay ilalabas ang liquidation reports 60 na araw matapos na magamit ang buong pondo.

 

 

 

Read more...