Duterte sa kritiko: ‘Lahat na ng sakit itinapon sa akin’

By Chona Yu May 28, 2019 - 12:20 AM

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko na nagpapakalat ng balita na naospital siya at nakararanas ng matinding karamdaman.

Sa talumpati ng Pangulo sa oath-taking ng mga bagong government officials Lunes ng hapon, sinabi nito na lahat na ng uri ng sakit sa mundo ay itinapon na sa kanya ng mga kritiko.

Halimbawa na lamang aniya ang sakit na colon cancer.

“Ako lahat na ng sakit na ano tinatapon na sa akin. Colon, sa ano,” ani Duterte.

Matatandaang kumalat sa social media na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center si Pangulong Duterte mula nang hindi makita ng publiko matapos ang May 13 midterm elections, bagay na pinagbulaanan ng Malakanyang.

 

TAGS: Cardinal Santos Medical Center, colon cancer, kritiko, May 13 midterm elections, Pangulong Rodrigo Duterte, sakit, Cardinal Santos Medical Center, colon cancer, kritiko, May 13 midterm elections, Pangulong Rodrigo Duterte, sakit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.