Babae natagpuang may saksak sa MRT Boni Station

DOTr photo

Natagpuan ang isang babae na may saksak sa dibdib sa bahagi ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) Boni Station sa Mandaluyong City, Lunes ng hapon.

Sa inilabas na inisyal na ulat ng Department of Transportation (DOTr-MRT), namataan ang hindi pa nakikilalang biktima ng isang gwardiya sa hagdan ng southwing ng Boni Station bandang 2:25 ng hapon.

Agad naman isinugod sa ospital ang biktima sa pinakamalapit na ospital sa lugar.

Rumesponde rin ang Safety and Security Unit ng DOTr-MRT3 sa lokasyon kasama ang Philippine National Police-Regional Mobile Force Battalion (PNP-RMFB).

Dumating din ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) team at Mandaluyong police para sa isinagawang initial assessment.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

 

Read more...