70,000 pamilya inilikas sa baha sa Paraguay

By Angellic Jordan May 27, 2019 - 10:29 PM

Inilikas ang 70,000 pamilya dahil sa matinding pagbabaha sa Asuncion, Paraguay.

Ito ay dahil sa bunsod ng nararanasang malakas na pag-ulan sa nakalipas na linggo.

Batay sa datos ng Department of Meteorology and Hydrology (DMH), tumataas ang antas ng tubig sa Paraguay River nang 4 hanggang 5 centimeters kada araw.

Sinabi ng weather bureau na nasa 46 centimeters na lamang bago umabot ang antas ng tubig ng ilog sa ‘disaster’ level.

Ayon kay DMH deputy director Nelson Perez, barado ng mga basura ang water service infrastructure sa lugar kung kaya naging matindi ang pagbabaha.

Sinabi naman ni DMH meteorologist Eduardo Mingo na hindi kadalasang inuulan nang malakas ang lugar tuwing buwan ng Mayo.

Ilan sa mga residente ay pansamantalang namamalagi sa bahaging Timog ng Pilar.

Nagtalaga naman ang gobyerno ng mga sundalo na tutulong sa paglikas sa mga apektadong residente.

 

 

 

 

TAGS: baha, Department of Meteorology and Hydrology, disaster level, inilikas, Paraguay, baha, Department of Meteorology and Hydrology, disaster level, inilikas, Paraguay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.