5 mataas na posisyon sa PNP binalasa

Ni-reshuffle ng Philippine National Police (PNP) ang limang mataas na posisyon sa kanilang hanay.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief, Gen. Oscar Albayalde na ito ay batay sa rekomendasyon ng PNP Senior Officers Placement and Promotion Board and Oversight Committee.

Aniya pa, nagbunga rin ito sa pagreretiro ng ilang senior PNP officials ngayong taon.

Kabilang sa mga binalasa na pwesto ay sa hanay ng Directorial and Special Staff, National Support Units at Police Regional Offices.

Narito ang mga opisyal na nagkaroon ng bagong assignment:

– Brig. Gen. Froilan Flores Quidilla (mula sa pagiging regional director ng Mimaropa, nailipat bilang acting regional director ng Zamboanga Peninsula)

– Brig. Gen. Marni Marcos Jr. (mula sa pagiging hepe ng Anti Cybercrime Group, nailipat bilang acting regional director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)

– Brig. Graciano Mijares (mula sa pagiging BARMM director, nailipat bilang acting director ng ACG)

– Brig. Gen. Emmanuel Licup (mula sa pagiging director ng Zamboanga Peninsula, nailipat bilang deputy director ng Directorate for Personnel and Records Management)

– Col. Nelson Bondoc (mula sa Engineering Services, nailipat bilang deputy regional director for administration sa Mimaropa).

Sinabi naman ni PNP spokesman, Col. Bernard Banac na epektibo ang bagong assignment bukas, araw ng Martes (May 28).

 

 

 

 

Read more...