Nakaranas ng matinding buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang Bataan at Pampanga ngayong Lunes ng gabi.
Sa thunderstorm advisory no. 7 ng PAGASA weather bureau bandang 8:50 ng gabi, umiral ang sama ng panahon sa sumunod na dalawang oras.
Naramdaman din ang sama ng panahon sa bahagi ng Iba at Botolan sa Zambales hanggang sa sumunod na isa hanggang dalawang oras.
Samantala, mahina hanggang katamtaman na may panaka-nakang malakas na ulan ang inabiso sa Gerona, Pura, Victoria, La Paz sa Tarlac at San Miguel sa Bulacan.
Parehong sama ng panahon din ang naranasan sa Taysan, Lobo, San Juan sa Batangas; Sariaya, Candelaria, San Antonio, Tiaong, Tayabas, Lucban, Panukulan, Polilio, Burdeos sa Quezon at sa Nueve Ecija.
Dahil dito, nagpayo ang PAGASA sa mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.