Trillanes umamin na mga pari ang nagpakilala sa kanya kay “Bikoy”

By Den Macaranas May 27, 2019 - 07:31 PM

Inamin ni Sen. Antonio Trillanes IV na lumapit sa kanya si Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy” at nagpresinta ng ilang impormasyon kaugnay sa pagkakaugnay sa droga ng ilang malalapit na tao kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman ay hindi umano pumasa si Advincula sa kanilang vetting process kaya hindi na niya ito binigyan pa ng atensyon.

Sa kanyang privilege speech sa Senado, sinabi ni Trillanes na isang grupo ng mga pari ang nagdala kay Advincula kaya niya ito nakilala.

Ang mga paring iyun din umano ang nagbigay ng ilang mga impormasyon tulad ng bank accounts ng ilang personalidad na sangkot sa narco politics.

Pinabulaanan rin ng Trillanes na kasangkot siya sa anumang plano na pabagsakin ang pamahalaan tulad ng mga naging pahayag ni Advincula.

“Uulitin ko, wala akong kinalaman sa paggawa ng mga videos na ‘yun. To my PMAer upperclassmen here, All Right, sir. Malamang siya rin ang gumawa ng mga video na ‘yan. To be fair, maganda nga po ang pagkakagawa ni Bikoy ng mga video at nakakuha ito ng atensyon ng publiko,” ayon pa kay Trillanes.

Sinabi pa ni Trillanes na naloko ni Advincula ang mag pari na tumulong sa kanya.

TAGS: advincula, bikoy, duterte, narcolist videos, senate, trillanes, advincula, bikoy, duterte, narcolist videos, senate, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.