Paolo Duterte: I don’t want to be a house speaker
Nilinaw ni presidential son at dating Davao City Congressman-elect Paolo Duterte na wala siyang balak na pamunuan ang Kamara.
Reaksyon ito ng nakababatang Duterte sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bababa siya sa pwesto kapag tumakbo ang kanyang anak bilang house speaker.
“I don’t want to be a speaker….may nagkamali na namang nagbulong sa tenga mo Mr. President,” ayon sa maiksing pahayag ni Duterte.
Samantala, mananatiling neutral si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili sa speaker sa kamara.
Pahayag ito ng Pangulo sa gitna ng malakas na ugong na minamanok ang kanyang anak na si incoming Davao Congressman Paolo Duterte, Davao Congressman Pantaleon Alvarez, Marinduque Congressman Lord Alan Velasco at incoming Taguig Congressman Alan Peter Cayetano.
Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mga government officials sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na bago pa man ang eleksyon, kinausap siya nina Velasco at Cayetano habang pagkatapos naman ng eleksyon kinausap siya nina Alvarez at Romualdez.
Pero paglilinaw ng pangulo, wala ni isa sa mga gustong maging speaker ang kanyang kinakampihan.
Ayon sa pangulo, kinausap siya ni Alvarez sa kanilang dialect na Bisaya pero hindi pa ito pinal dahil wala siyang numero sa kamara.
Sinabi pa ng pangulo na wala namang masama sa pagkatao ng nina Cayetano, Velasco, Alvarez at Romualdez at maganda ang kanilang pagkakaibigan.
Ipinaliwanag ni Duterte na dahil sa maganda ang kanilang relasyon, inakala ng apat na suportado na niya ang kanilang kandidatura sa pagka-speaker.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.