Rebellion case ni Trillanes umusad na sa Makati RTC

By Den Macaranas May 27, 2019 - 05:15 PM

Umarangkada na sa Makati City Regional Trial Court branch 150 ang kasong rebelyon laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Ang nasabing kaso ay nauna nang ibinasura ng nasabi ring korte walong taon na ang nakalilipas.

Sa unang araw ng pagdinig ay isinalang ng prosecution team bilang saksi si Assistant State Prosecutor Mary Jane Sytat.

Si Sytat ay nasa hukuman noon nang mag-walk out at sumugod sa Manila Peninsula ang grupo ni Trillanes kasama ang ilang mga tagasuporta.

Tinawag naman ni Atty. Reynaldo Robles, abogado ni Trillanes na isang “filler witness” si Sytat.

“Wala namang materiality ang testimonya nya. Ang sabi nila nahihirapan sila sa ibang testigo so ayaw nilang masayang yung hearing kaya ipinirisinta sya,” ayon pa kay Robles.

Minarapat naman ng kampo ng depensa na sa July 22 hearing na lamang gawin ang cross-examination kay Sytat na wala umano sa orohinal na listahan ng mga saksi.

Magugunitang ang kasong rebelyon laban kay Trillanes ay nauna nang naibasura makaraan siyang bigyan ng amnestiya ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Pero ito ay binawi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa isyu ng teknekalidad.

TAGS: alameda, Aquino, duterte, manila peninsula, rebellion, robles, sytat, trillanes, alameda, Aquino, duterte, manila peninsula, rebellion, robles, sytat, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.