Pang. Duterte inaantok kaya hindi nag-abot ng diploma sa PMA graduates – Malakanyang

By Chona Yu May 27, 2019 - 11:58 AM

PCOO Facebook page
Inaantok at kulang sa tulog si Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya hindi na personal na inabot ng isa-isa ang diploma sa mahigit 260 na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 kahapon sa Fort Del Pilar sa Baguio City.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, napuyat ang pangulo dahil sa naging abala sa pagbabasa ng mga report at pagpirma sa mga dokumento.

Hindi maikakaila ayon kay Panelo na night person ang pangulo o karaniwang gising tuwing gabi at madaling araw na kung matulog.

Sa kaso aniya noong Linggo, alas 6:00 na ng umaga natulog ang pangulo at nagising ng 8:30 ng umaga para sa graduation rites.

Dahil sa inaantok ang pangulo, nagpasya aniya ang punong ehekutibo na atasan na lamang si Defense Secretary Delfin Lorenzana na mamahagi ng diploma.

Inireserba na lamang aniya ng pangulo ang kanyang lakas para sa iba pang bahagi ng programa.

Ayon kay Panelo na sa kalagitnaan ng programa sumigla ang pangulo at naging palabiro pa.

Ilan sa mga biro kahapon ng pangulo ang hindi pagngiti sa kanya ni Vice President Leni Robredo at pagbibigay ng pardon sa mga kadete ng PMA.

Sa mga nagsasabing may karamdaman ang pangulo, tiniyak ng Malakanyang na nasa magandang kundisyon ang pangulo.

Bukod raw sa sakit ni Duterte na nabanggit na niya sa kanyang talumpati, wala naman daw malubhang sakit ang pangulo.

Sinabi pa ni Panelo nakatakda pa ang pangulo na umalis papuntang Japan ngayong linggo para dumalo sa 25th Nikkei Conference.

TAGS: PMA Graduation rites, president duterte, PMA Graduation rites, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.