Security of Tenure malapit nang maging batas – DOLE

Labis na pinasalamatan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga Senador sa gitna nang napipintong pagsasabatas ng Security of Tenure o SOT.

Ayon sa kalihim ginagarantiyahan ng SOT ang karapatan sa paggawa ng mga obrero na itinatakda sa Saligang Batas.

Hindi na aniya matatagalan at ganap na itong magiging batas na tutuldok sa nakamihasnang endo ng mga negosyante.

Ang panukalang security of tenure ay sinertipikahan bilang urgent, at ayon kay Senator Sherwin Gatchalian ay ihahabol nila ito bago magsara ang ika-17 Kongreso.

Inihahanda na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) sa pagpapairal ng binabalangkas na batas.

Read more...