150,000 na pulis ipakakalat sa buong bansa sa pagbubukas ng klase sa June 3

By Dona Dominguez-Cargullo May 27, 2019 - 10:54 AM

DepEd Photo

Aabot sa 150,000 na pulis ang ipakakalat sa buong bansa sa pagbubukas ng klase sa June 3, 2019.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), bahagi ito ng kanilang Ligtas Balik Eskwela.

Sa nasabing bilang, 6,000 ang ipakakalat sa Metro Manila.

Partikular na babantayan ng pulisya ang mga kriminal na mananamantala sa pagbubukas ng klase at terroristic incidents na maaring tumarget sa general public kabilang na ang mga mag-aaral, guro at magulang.

Sa datos ng DepEd mahigit 27 milyong estudyante ang magbabalik-eskwela sa pagbubukas ng school year 2019-2020.

TAGS: Ligtas Balik Eskwela, Oplan Balik Eskwela, PNP, Ligtas Balik Eskwela, Oplan Balik Eskwela, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.